Ninais Kong….

Thursday, October 23, 2008

Ito na marahil ang ayoko sa sarili ko. Bakit tila hindi ko natitikom ang aking bibig sa mga reklamo na nauukol sa sambayanan o sa taumbayan? Mas ninais kong problemahin ang mga suliraning hindi ko naman mareresolba ng mag-isa. Katangahan at kagaguhan lang talaga ang pinag-iisip ko!

Bakit nga ba ako’y masyadong nag-aalala sa lipunan?
Bakit nga ba para akong isang tanga na iniisip ang ikabubuti ng mamamayan?
Paano naman ako?

Sabi ng aking ina, noong nasa probinsya ako, nireklamo ko at ako’y nag-imbestiga…ang edad ko noon ay 10 taong gulang pa lamang…at nireklamo ko ang di maayos na pagkakasemento ng daanan sa mismong harapan ng mayor ng bayan…Ani ng mayor, “Delikado ako dito…” pero ako’y bata pa’t wala pang kamuwang muwang…kung susundin natin ang inaakala ng mga matatanda ukol sa akin. Noon pa lang, marami na akong nirereklamo at sinusuhestyon na kung anong tama para sa bayan. Kung ano ang tama ayon sa aking paniniwala na makabubuti sa lipunan. Isa pa lang akong puslit na di na matahimik….

Dumaan ako ng high school at tinagurian akong “weird.” Bakit?
Dahil lagi kong dinidiscuss ang mga isyu sa lipunan samantala ang mga klasmeyts ko ay nag-iisip ng kung anong uso at ano ang nababagay..,tipong ang usual teenage mindset ika nga…masaya sila doon…samantala ako’y nababahala’t napapraning. Sana naging ganoon na lang din ako.

Di ko na siguro pahahabain pa ang kolehiyo ko dahil sa unibersidad nga pinasok ko, tanggap nila ang kung anong ideyalismo na pinaniniwalaan mo…yun nga lang, mukha pa akong naging mulat sa pangit at tila mabahong aspeto na tinatawag na reyalidad. Leche!

Ninais ko sana na maging bulag ako sa mga pangangailangan ng lipunan, na madala sa wastong pamumuhay ang taumbayan, na lumaban para sa kanilang karapatan at kanilang kaayusa’t kapayapaan. Sana hindi ko nag-aalala sa lipunan dahil dinadagdagan nito ang problema’t kalungkutan ko…nagpapasalamat ako at hindi ako pulitiko o mismong ang Diyos…o Bernard Allmighty!

Sana naging ordinaryong tao na lang ako…Wala nang inaalala pa kundi sarili, pamilya’t kaibigan at hindi na dadagdagan ng lipunan na tila wala namang katapusan ang hinanakit. Poproblemahin ko pa pero may matatanggap ba akong pasasalamat mula sa kanila? Wala!

Sana nga, andun ako sa opisina…walang pakialam kundi paano iimpress si boss at may maipakain sa pamilya at pang-libang sa sarili…ganoong simpleng kaligayahan na akin sanang matatamasa kung hindi ko lang iniisip ang iba.

Sana naging tulad na lang ako ng iba, living the life to the fullest ika nga. Party, inom, tambay, pasyal, nood TV, trabaho, pag-aaruga sa pamilya’t sarili at wala nang lipunan na pinag-iisipan pa.

Ika nga ni Erich Fromm: “There are some people who would prefer to escape the truth rather than face it, given the satisfaction that the false truth is giving to the person.” Sa totoo lang, marami talagang takot makita ang baho ng suliranin ng lipunan…mas minabuti nilang isipin na lang nila ang sarili’t pamilya nila kaysa sa iba.

Kung ako lang si Neo sa The Matrix, malamang pinili ko ang blue pill na magdadala sa akin pabalik sa “Matrix” kesa sa gumising ako isang araw na nagunaw na pala ang mundo ng mga tao! Mas mabuti na lang na kinokontrol na lang ng programa ang buhay ko kesa makita ang malagim na katotohanan!

Ninais kong maging apathetic. Ninais kong pabayaan ang lipunan. Ano pa? Dadagdagan lang ang problema ko sa buhay ko…pero bakit hindi ko to matanggal sa aking sistema? Ako ba ay mayroong misyon na dapat gampanan? Bakit pa at may makukuha ba ako in return o isa nanamang scenario ng pagmamartyr?! Ayoko na 20 taon pagkatapos ng aking kamatayan ay pag-uusapan na nila ang buhay at ideyalismo ko na parang kay Karl Marx, Michel Foucault, Adam Smith at kung sino-sinong mga pilosopher na kadalasang maraming problema sa buhay at mundo nila!

Diyos ko, gusto ko lang sana maging normal na tao lang ako! Simpleng kaligayahan! Simpleng pamumuhay!

Ninais kong maging manhid at bulag sa baho ng lipunan…pero mukha yatang kelangan ko syang harapin ng lubusan. Mukha yatang di na mapipigil ang pagiging tulay….

Posted by habagat at 2:27 AM | permalink

Previous Comments

Karl Marx, Michel Foucault, Adam Smith

Posted by kwan at October 23, 2008, 3:29 am

More power!

Dito na po sa Iloilo. Check out http://www.iloiloclassifieds.com for free Ad listing. FREE ads. No Strings Attached.

Posted by IloiloClassifieds.com at December 15, 2008, 10:14 am

Nakakatuwa naman, akala ko ako lang nag-iisip ng mga ganyang bagay :-) napagod na nga yata ako, lalo pag pakiramdam mo, nagiisa ka lang sa mga pakikibaka mo at di ka maunawaan ng iba

Posted by Abbiejoice at December 19, 2008, 8:33 pm

Ha, ha, ha! Here’s another narcissist cum messiah out to save the world!

Yabang mo!

Posted by Neo at January 27, 2009, 2:05 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








HabagatCentral Sites

The Personal Blog

Photobucket

The Multiply AccountPhotobucket

The Commuter's Travel Blog HabagatCentral.com

 

The WindSurfer

Photobucket

I'm Berniemack Arellano, just a simple and boring guy who wants to go amok whenever he's being prevented going somewhere else.

Inspired by the Lonely Planet/Pilot Guides series, I desperately went on to see places and culture as a cure to absolute monotony of life in the early 21st Century despite of financial incapabilities.

Message Board

clyde:

galing naman pagkagawa nimo. nice site. you might be interested in free classifieds. http://cotabato.tk

jessa:

hello

ang

ganda

na man

nito

clyde:

nice blog. you might be interested in free classifieds. http://cotabato.tk or http://anime143.tk

allen:

hi

allen:

malaking tolong nagawa ng impormasyon na ito

noypi:

maganda po mga articles nyo. iba talaga ang pinoy. share ko lang po. Boxing Videos Collection http://boxing-tube.tk

wilhelm:

nice information
keep it up!
good luck for the typhoon this year

Manny Pacquiao:

Share ko lang po. Manny Pacquiao Fight Video Collection
http://mannypacquiao.tk

charm:

i really love infos like these, nkkatuwa. just heard santi eill be exiting batangas until tomorrow…hope wala n masalanta!

lolzorz:

imba santi,tino. SANTINO!
may bukas pa ba?

regina:

thanks sa info

regina:

thanks sa infos na i2 it is very useful in school thingys ! thanks :D

kenken:

san ba pupunta ang bagyong santi

kenken:

san ba papunta ang bagyung santi

kenken:

san ba papunta ang bagyung santi

Laruku:

haha Santi tapos Tino!!! Fan ata ng May Bukas pa ang PAGASA…. hehe Santino

hardy:

bagyu nasad

mlangonline.com:

Ok to ah. dahil sa site na to, alam ko na mga pangalan ng mga susunod na bagyo. try nyo watch videos taken from typhoon ONDOY. http://mlangonline.com

cyrus:

sa susunod lagay niyo bagyong cyrus 2 taONG WALANG PASOK UN HAHA!!

Henry:

thanks for the timely info..
mabuhay…

Leave a message ▼

Photos and HabagatCentral Multiply Account

    

Facebook

Subscribe

Technorati
Bloglines

Plurk!

Twitter!

Stat