“Dehado kung dehado para saan pa mga galos mo kung titiklop ka lang…
Matalo kung matalo, huwag ka sanang magkakamaling sumuko na lang…
Ang puso, ialay sa laban, kapalit ay tagumpay…”-From Spongecola’s single “Puso”, Offical theme song of UAAP Season 71 .
Ilang araw na lang ang natitira sa aking paggawa ng mga requirements, at hindi ko pa rin naipapasa ang proposal dahil napaka-ekstensibo ng aking kailangang gawin sa aking research paper. Kinakailangan ng maid-id na pagsusuri tapos kinailangan pa kumuha ng second opinion mula sa mga kontemporaryo ng subject figure.
Noong una, nagwawala’t nagpapanic ako. Paano, ang pinaghirapan ko nung enrollment bigla na lamang mawawala sa akin matapos ang isang semestre. Pinilit kong pumasok ng Ateneo de Manila at kumuha ng MA History sa kadahilanang nirekomenda to ng mga profs ko. Dahil na rin sa mataas na standard nito sa pagtuturo ng social sciences. Nagbigay din ako ng application sa UP Diliman kaso hindi ko ito pinili dahil na rin sa aviso sa akin, na maaaring mapulitika ako ng mga faculty sa UP History Department. Sinasabing maganda rin ang pagtuturo pero maaaring ikasama ko ang pamumulitika sa loob ng Pamantasan. Kaya napili kong pumunta ng Ateneo nang dahil dito, at nang para maiba naman ang perspektibo ko sa aking larangan.
Mula sa hysteria at panic na naranasan ko noong nakaraang linggo, tila napawi na ito dahil binigyan din ako ng pag-asa na magagawa ko tong matapos sa loob lang ng isang linggo. Pero nang makita ko ang scope ng kailangan kong gawin, hindi na ito sapat. Inaamin ko na nagkulang ako sa aking pag-aaral ko. Inaamin ko may mga pagkakataong di ko sineryoso ito, marahil sinayang ang P16,000 na binayaran ng mga magulang ko. Mahilig din ako sa cramming. Pero ang dami kong natutunan at naging mas malawak ang aking pananaw sa mundo ng historiyograpiya at kultura. Na hindi dapat bali walain ang ipinagkaloob sayo na pagkakataon. Kay Doc Francis ang kahalagahan ng oras sa pagsasaliksik, ang kay Padre Arcilla naman ang kalidad ng pag-gawa. Sa ngayon ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para kahit papaano maibigay din kahit partial ang aking requirements sa deadline at makapresenta ng research proposal bago man lang matapos ang semestreng ito.
Ninais kong gawin ang mga final papers ko ng may kalidad at hindi lamang basta basta ipapasa nang dahil kailangang ipasa. Pero kailangan ko ding sumunod sa patakaran at napag-usapan sa aking enrollment. Para sa akin, mas importante kung maganda ang output ng aking research kung ikukumpara sa minadali. Gustohin ko mang magmaka-awa sa aming departamento pero ano pa ba magagawa ko? Ito ay nakasaloob sa aming napagkasunduan na dapat walang incomplete marks sa akin para ma-regular student ako, isang subject ko pa lang ay INC na, may isa pang madadagdagan. Isang himala na lang marahil ang magpapa-reconsider sa akin para mag-enroll sa second semester. Tanggap ko na ito kahit alam kong masakit at mapait.
Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ni Rizal nung araw na yun ng 30 ng Disyembre taong 1896. Nabighani ang doktor sapagkat sa harap ng napipinto nyang kamatayan ay kalmado ang kanyang kalooban. Dahil maaaring nagawa na nya ang lahat at natanggap sa kanyang kalooban ang kanyang kinahihinatnan. Para sa akin, hindi ito kawalan ng pag-asa kundi pagharap sa suliranin ng buong tapang at may dignidad. Buong pusong pagtanggap sa pagkadapa, dahil alam kong ako’y muling babangon. Maaaring magsasara na ang chapter ng buhay ko sa Ateneo pero hindi pa nagtatapos ang agos ng buhay ko. Wala akong hinanakit sa Ateneo, bagkus ako ay nagpapasalamat sa dami ng aking natutunan dito kahit sa isang maikling semestre. Marami akong natutunan, kailangan ko namang idevelop ang sarili ko para sa bayan na aking nais na pagsilbihan. May pag-asa pa rin na hindi pa napapatay sa akin.
Bern, pa-link exchange b… hehe gin ubrahan ta na ka… hehhehe
Posted by vince at February 12, 2009, 9:07 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
di ko alintana na malalim ka pala magtagalog. medyo hindi ko kinaya ang mga katagang naisalaysay sa iyong lathalain.
Posted by Curbside Puppet at October 3, 2008, 11:01 pmsa totoo lang wala namang patutunguhan ang aking mga kuro-kuro dito. napagtanto ko lang na paghusayan ko ang pagtatagalog.
nais ko ang lalong paglaganap ng iyong sinapot na lathalain (web blog) at mabuhay ka!