Hay, hanap nga ako ng trabaho pero puro conflict sa schedule ko. Puro call center na kinamumunghian kong balikan. Puro graveyard shift. Puro hindi ako qualified. Yung napakasimpleng pangarap na maging isang college prof, hindi pa maabot dahil kelangan pa ng ka-etchosan ng mga schools na dapat may masters degree ka na! Tarantadong buhay to!
Oo nga’t Atenista na nga ako, pero hanggang ngayon di pa ako lubusang nakaka-kalas sa aking pagiging Iskolar ng Bayan. Nasanay sa mumurahin pero sangkatutak at masasarap na pagkain sa Kabisayaan. Oo nga’t kumukuha ako ng masters degree pero Dios ko, isipin mo na lang ang baon ko…P200 kada araw!!! Eto pa ang catch, uwi-an pa ako sa kada klase ko…imagine na lang ang distansya nang tinatahak ko…tapos nakakapagod kasi Byernes ng gabi ang klase, kung kelan pahirapan ang uwi-an at sakayan.
Galing ng Imus hanggang Pasay Rotonda = P30
Taft Avenue MRT to Cubao MRT = P15
Cubao LRT to Katipunan LRT = P12
Katipunan Tricycle to Ateneo Campus - P21
One whole meal = at least P60 to P70 kada pagkain na may kasama nang mineral o juice…minsan times 2 mo pa.
Di pa sapat dyan ang P200!
One way pa lang yan…compute mo ang roundtrip at mabibitin ka sa P200 na binibigay sa’yo ni ermats.
Hindi ako lubusang ma-satisfy sa mga pangyayaring ito. Gustohin ko mang magtrabaho pero ayoko na talagang bumalik sa call center (na pinakasikat na job offering). Patulan ko man ito pero masasakripisyo ko ang kalusugan, kaligtasan at lalo na ang pinaka-priority ko sa lahat…ang pag-aaral ko.
Gusto ko rin namang matulungan ang mga magulang ko para makapag-hanap ng pambaon ko at saka mabawasan ang dependency ko sa kanila…kahit papaano mabawasan ang sakit ng ulo nila…pero ano to? Umaasa at namimili.
Ayoko nang bumalik sa call center pero ayoko ding umasa na lang palagi sa mga magulang ko.
Ulol! Kala mo ang daling mghanap ng trabaho gago!
Posted by habagat at July 10, 2008, 10:25 amSimple solution Bernie.
Why are you living in Imus, Cavite and commuting everyday to Ateneo?
This is crazy, hehe..
You should get yourself a cheap boarding house near Ateneo or at least just a ride away.
Posted by Arnold at September 5, 2008, 8:54 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Ang dami mong complain! matanda ka na. mag hanapbuhay ka na! buta ka pa may 200 a day. ung iba wala nga makain. gago!
Posted by d at July 8, 2008, 10:16 pm