SqueezeBrew!

Thursday, February 14, 2008

Di ko sineselebreyt yang Valentines Day na yan. Parang isang ordinaryong araw na lang na dadaan sa buhay ko yan. Pero ngayong araw na ito, naranasan kong mataranta na hindi ko maintindihan.

Nakapasa ako sa interview portion sa pagkuha ng aplikante sa PAL para sa isang posisyon sa opisina nila dito sa Iloilo. Marami kam noon pero mukha yatang 10 lang ang natira. So, ayun binigyan ako ng isang islip na nagsasaad na may eksam kinaumagahan. Kala ko tapos na! Naisip ko na maswerte na rin ako’t nakapasa sa interview pero di pa rin tapos ang laban. Susuotin ko nanaman ang bitin at masikip na slacks at ang masakit sa paa nga itim na sapatos na hiniram ko pa sa kapitbahay.

6AM. Matapos ang 8 oras na tulog na may interruption ng 5 minuto, naligo’t nagsipilyo at nagbihis. Plano ko sana dumaan sa Catedral para humingi ng blessing kay Madame Candelaria kaso inuubusan na ako ng oras. Langya, magtataxi nanaman ako mula Plaza Jaro! P65.00 nanaman ang gagastusin ko! Hay mabuti na yan kesa ma-late!

Pumasok sa venue at nag-abang.

Nagsimula na ang eksamin. 10 na lang talaga kaming natitita samantalang sa kabila naman mga nag-aaplay bilang driver. IQ, Personality at Aptitude test o in short, psych tests. Hay ang BS Psych people nga naman o! Sa una mukhang madadali ang mga pagsusulit. Walang pressure, para lang malaman kung bagay ka nga sa tipo ng trabahong pinapasukan mo. Kung minsan nga ay may mga complete the sentence pa na portion, tulad ng:

My sex life _________________; My ideal woman is______________; Marriage for me is _________________….

Hanggang dito pa naman Valentines pa rin ang theme!

Nang dumating na ang IQ exam at aptitude tests, dito na nagkanda-leche leche ang lahat. Pressured ka sa oras. Ang IQ exam sa una hanggang ikatlong set, madali lang. Comparison at similarities, pero pag-abot sa set 4, medyo nalito na ang bangag.

Ang aptitude test mas madugo pa, may aritmetik…ang best friend ko sa akademiya….not! Paramihan ng tamang sagot sa loob ng 2 minuto sa kada 2 eksamin! Ang panghuli, mental power of arithmetic lang at bawal isulat sa papel. Oo nga at simpleng addition nga lang, pero kung ikaw ay ipinanganak na bobo sa math at time-pressured pa, ibang usapan na yun!

Matapos ang eksam, pakiramdam ko parang piniga ang ulo. Pagbigay ko ng answer sheets ko, at saka na lang ako inorient sa mala-El Dorado na compensation and benefits na binibigay ni Lucio Tan sa kanyang mga empleyado….parang dudugo ang ilong ko, nanginig at tila napapraning sa kaloob-looban ko, punyemas, ito na marahil ang pinakamagandang comp&ben package na narinig ko so far! Waaahhh!!! Libreng tiket, mga benepisyo pati ang sweldo! Hay! Langit na kung mapapasa-akin ka lang!

Sa loob pa ng 2 linggo malalaman ang resulta. Kinondisyon ko na ang sarili ko na huwag umasa ng grabe. Maghahanap pa rin ako ng ibang alternatibo para hindi ma-frustrate kung sakaling di papalarin. At bago ako umuwi, bumalik muli ako kay Madame Candelaria at humingi ng patnubay at lakas ng loob na harapin kung ano man ibibigay sa akin ng Diyos.

Pero sana ito na nga. Kung hindi, marahil hindi para sa akin ang nasabing trabaho.


Posted by habagat at 6:08 PM | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








HabagatCentral Sites

The Personal Blog

Photobucket

The Multiply AccountPhotobucket

The Commuter's Travel Blog HabagatCentral.com

 

The WindSurfer

Photobucket

I'm Berniemack Arellano, just a simple and boring guy who wants to go amok whenever he's being prevented going somewhere else.

Inspired by the Lonely Planet/Pilot Guides series, I desperately went on to see places and culture as a cure to absolute monotony of life in the early 21st Century despite of financial incapabilities.

Message Board

watch step up 3d online:

watch step up 3d online free this august

travel jakarta bandung:

Travel Jakarta Bandung – Kali ini saya akan mencoba membahas tentang Travel Jakarta Bandung bagi anda yang akan melakukan perjalanan dari Jakarta ke Bandung

Day trans travel jakarta bandung:

Day Trans Travel Jakarta Bandung – sebuah perusahaan jasa angkutan umum yang berusaha tampil berbeda guna memenuhi kebutuhan para pengguna transportasi darat dari Jakarta ke Bandung

used stationary bikes:

This article gives the light in which we can observe the reality. this is very nice one and gives indepth information. thanks for this nice article.

Investasi Online:

new investasi online

Travel Jakarta Bandung bersama day trans:

day trans

Travel Jakarta Bandung bersama day trans:

travel bus Indonesia

Travel Jakarta Bandung:

travel jakarta bandung

Start Sharing Not Selling:

learning and sharing

Investasi Online terbaru dan tercepat:

online investment

Rahasia Dahsyat Hidup Sukses:

the secret success

used stationary bikes:

Awesome blog, I wish to come again on your site in future.

Used Stationary Bikes:

great site thanks for post

used stationary bikes:

I really impressed by your post, its valuable information. Thanks, I enjoyable to read and help me more.

used stationary bikes:

I came lately to your website and have been reading along. I thought I would leave my initial comment. Keep writing, cause your posts are impressive! Doesn’t it take up a lot of time to keep your blog so fascinating???

Indonesia Furniture Handicraft Wholesale Marketplace:

many thanks for your blog

Hosting Murah Indonesia Indositehost.com:

nice to reaad your blog

Travel Jakarta Bandung:

great site.. happy blogging

Blogger Indonesia Dukung Internet Aman, Sehat & Manfaat:

great post

Used Stationary Bikes:

great post

Leave a message ▼

Photos and HabagatCentral Multiply Account

    

Facebook

Subscribe

Technorati
Bloglines

Plurk!

Twitter!

Stat