Hitch-Hiker’s Guide to General Santos City

Wednesday, August 9, 2006

General Santos City o Dadiangas, ano ang unang pumapasok sa kukote ko noon? Paquiao, Bad Boy From Dadiangas, Tuna at lalo na pagbobomba. Ito ang ang mga unang imahen na nasa isip ko kung ano ang istura ng pinakatimog na syudad sa bansa. Palabirong sinasabi na "Boom Town" ang Gensan, ginawa namang literal. Marahil dahil na rin sa media dito sa bansa, masyado nilang ineexaggerate ang balita sa Mindanao. Kung tutuusin, hindi naman magulo ang pamumuhay dito hindi tulad sa mga napapabalitaan. Life goes on dito kahit may bombahan noon. At least, hindi paranoid ang mga Dadiangasnon o mga "Generals."

Ang Agresibong Makar

Sembreak 2003. Pinasya ko na bumaba na lang ng Gensan dahil baka gabihin pa ako kung itutuloy ko ang biyahe sa barko. 2 oras lang layo ng Digos City samantalang 7 oras kung pa-Davao City tapos isang oras pa na biyahe papuntang Digos. Tinawag ko ang isa ko sa mga ka-berks ko na nagtatrabaho sa Gensan at sinundo ako sa magulo at mainit pero state-of-the-art na pantalan ng Makar, marahil isa sa pinakamalaki sa bansa. Marami ngayon ang ibinababang pasahero't kalakal mula dito at ito ang isa sa mga imprastraktura na nagpaunlad ng lubusan sa Gensan. 

Paalaala para sa mga first timers na bababa ng Makar sa Gensan:

  1. Pagpasensyahan na ang mahabang lakad mula sa barko palabas.
  2. Paglabas mo, ingat ka…agresibo ang mga driver, porter, barker, tindera sa pagbibigay nila ng serbisyo nila. Tumanggi ka na lang kung di ka sasakay ta's hawakang mabuti ang bagahe…basta basta na lang nila dadamputin iyan at idederetso sa kanilang sasakyan, hihiyakatin kang sumakay sa kanilang sasakyan sa kahit anong paraan.
  3. Magpasundo ka kung may kakilala ka o di kaya dumeretso ka na lang sa may kanto ng highway at sumakay ka na lang ng multicab papuntang downtown.
  4. Mag-ingat sa mga mandurukot. Halos lahat ng pier sa Pilipinas meron nito.

Maikling Sulyap sa Dadiangas

  Berniemack8_1 Ang General Santos City o kilala sa maikling ngalan nitong Gensan o dati nitong pangalan na Dadiangas, ang tinaguriang gateway to Socsksargen region (binubuo ng mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos) tinaguriang isa sa mga pinaka-progresibong rehiyon sa bansa. Dati itong tinaguriang "backwater" dahil bukod sa maalikabok at mainit dito, walang katahimikan naman ang nagbabadya sa Mindanao dahil sa digmaan noon. Babaan ito dati ng mga "Pioneer Settlers", mga Kristyanong taga-Luzon at Visayas na nakipagsapalaran sa Mindanao upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Pinamunuan ito ni Heneral Paulino Santos sa bisa na rin ng National Land Settlement Administration na siyang namamahala sa mga settlers. Hindi naglaon dumami na ang mga Kristyano sa lugar na ito.

Kahit isa na itong urbanisadong lugar, hindi siya nakatakas sa mga kaguluhan sa Mindanao. Mga pagbobomba na naganap sa lungsod na tila nagpahina sa kanilang buhay ekonomiya. Hindi sila nagpatinag tulad ng iba nilang kababayan sa Mindanao. Umuusad pasulong ang buhay ng mga "Generals"

Doon po sa Gensan…

3706_1 Kung first time mo siguro dito, baka ma-shock ka sa kakaibang init na dulot ng  lokasyon at tipo ng lupa rito (sand-loam, o puting buhangin sa buong lugar, animo'y para kang sa Dubai o Saudi sa init at mala-disyertong alikabok). Sa mga lugar sa South Cotabato, ang Gensan na marahil ang isa sa pinakamababang antas ng ulan na natatanggap, na may 35mm lang di tulad ng mga kalapit-bayan nito. Kung tutuusin, sabi ng iba ay malapit na sa equator ang naturang lungsod. Southernmost City nga ito.

>>Paalala: Ang salitang ginagamit sa Gensan ay Bisaya pero may halong Ilonggo at iba pang lenguahe dahil na rin iba't ibang tao na rin ang lumipat dito. Kung hindi marunong mag-Bisaya, mag-Tagalog ka na lang.

Marahil isa na siguro sa pinakamaunlad na syudad na nakita ko sa Pilipinas, mula sa pagiging "backwater" nito hanggang sa pinaka-kompetitibo na lungsod sa bansa noong 2002, 60% ng income ng naturang syudad ay kinnukuha sa industriyang hindi lamang sa lokal na pangkonsumo, ine-export pa ito sa ibang bansa lalo na ang Japan. Ang industriya ng mga isdang Tuna, latahan o cannery ng Tuna at Tuna fishing industry. Kung gusto mo makakita kung saan ibinabagsak ang mga tuna, pumunta kayo sa GenSan City Fish Port, ikalawang pinakamalaking Fish Port sa bansa. May 15kilometro ang layo nito mula sa downtown at sasakay kayo ng jeep na pa-"Tambler" o di kaya mag-habal habal (single na motor) kaso medyo may kamahalan sumingil si manong drayber. Dito niyo mabibili ng sariwa ang tuna, galing pa sa Indonesia at Pasipiko ang mga iyan! Binubuhat ng mga kargador mula sa bangka patungo sa mga la mesa na kung saan ay ginagrado naman ito.

Sa downtown naman, hinding-hindi ka maliligaw. Sumakay ka lang sa traysikel (na siyang pangunahing pampublikong sasakyan sa lungsod) at mapapadpad ka kung saan-saan sa Dadiangas.

Ang sentro ng komersyo ay matatagpuan sa Pioneer Avenue at Santiago Boulevard, kasama na rin dito ang Acharon Blvd, National Highway at J.Catolico Ave (assuming na alam ang street names,hehe!) Malapad ang mga kalsada dito, animo'y runway. Nakakatakot tumawid dito kung minsan lalo na kung hindi ka sanay sa malalapad na daanan.

Ang City Hall ay matatagpuan sa dulo ng Pioneer Avenue sa harap ng plaza na inalay kayMindanao_edited_2 General Santos, ang nagtatag ng mga settlements sa Timog Cotabato. Dito kayo maaaring kumuha ng impormasyon ng syudad. Sa tabi nito ang Bangko Sentral at RD Plaza sa kabila ng kalsada na isang mini-mall kasama ang Fitmart, isang grocery and supermaarket store.

Mag-soshopping ka naman, andyan ang SM Gensan (o Sa Maranaoan - lugar ng mga negosyanteng Muslim na nagbebenta ng malong, arafat at kung ano-ano pa), ang ever-reliable na Public Market kung saan mabibili mo na kung anong gusto mo at mga modernong malls tulad ng KCC, Gaisano at Fitmart. Sa mga lugar na ito makakabili ka ng mga souvenirs mo. Pinapayuhang huwag nang magdala ng bag kung pupunta dito dahil hanggang sa gate lang sila, sa may baggage counter at kung minsan mahaba ang pila dito. For security reasons ika nga.

Maayos ang daanan palabas ng syudad. Pumunta ka lang sa Bulaong Terminal kung pupunta ka sa Cotabato o Davao.

Kung kultura ang pag-uusapan, pwede kayong pumunta sa General Paulino Santos Museum sa Notre Dame of Dadiangas College. Makikita niyo doon ang kasaysayan ng Dadiangas mula sa pagkatatag hanggang sa ngayon. Kung kulturang Socsksargen naman, sa Mindanao State University kayo pumunta (oo, merong MSU sa dito, akala niyo sa Marawi lang no?) at sa ikatlong palapag ng tinatawag nilang Y-Building, andun ang Museo nila na kung saan pinapakita ang mga lugar at kultura ng timog-sentral Mindanao, mula sa T-boli, Blaan hanggang sa mga Moro at Kristyano.

Kung gusto mong magpa-refresh sa tubig dagat, sa London Beach, Tropicana at iba pang mga beaches sa Siguel pwede niyong puntahab. Kung cold spring sa Olaer Spring o di kaya sa mga pribadong swimming pools.

B719 Nga pala, kung piyesta ang pag-uusapan, di pahuhuli ang Dadiangas. Kada Pebrero, may Kalilangan Festival na ipinagdiriwang ang pagtatatag ng Buayan (dating ngalan ng Gensan) sa pamamagitan ng mga cultural shows. Samantala ang Tuna Festival naman ay sinasagawa tuwing Setiembre kasabay ng charter day ng syudad. Ipinagdiriwang dito ang industriya na nagpaunlad at nagpasikat sa lungsod hindi lamang sa bansa pati na rin sa buong Asya bilang "Tuna Capital".

Teka, paano ba pumunta dyan?

E6c1 Magbarko ka, meron namang Superferry at Sulpicio mula Maynila, Cebu, Davao, Iloilo, Bacolod at Zamboanga. Kung gusto mong pumuslit papalabas ng bansa, may mga lancha't barko pumupunta sa Indonesia once in a while.

Sosyal ka at ayaw mo ng hassle sa paglalakbay, may PAL at AirPhil (sorry sa mga loyalista ng Cebu Pacific, wala ruta dito) mula Maynila, Cebu at Iloilo. Ang International Airport sa savannah ng Barangay Fatima ay may 16 na kilometro layo. Magtaxi ka kung ayaw mong sumakay ng habal-habal.

Galing kang Mindanao, may bus at L300 mula sa Cotabato at Davao. Napaka-deretso ng mga daan dito kung galing kang Cotabato, parang nirebond,hehehe!

Marami ka pang mapupuntahan sa Dadiangas kung tutuusin, kaso hindi siya tulad ng Intramuros, Cebu o Paris na ma-turista dahil sa makasaysayan ang lugar. Ang bayan na ito ay nagsisimula pa lamang sa pag-unlad dahil na rin agro-industrial based ang lungsod. Tulad ng mga suntok at knock-outs na tinanggap ni Paquiao sa larong boksing, nakatikim ang mga "Generals" ng mga dagok at sakit ng suntok ng terorismo at kahirapan ng nakaraan at sila'y masigasig na bumangon muli at magbibigay dangal sa sambayanang Pilipino.


Posted by habagat at 9:29 PM | permalink

Previous Comments

oist! sarap dito! punta ako dito! dami talagang magandang lugar sa Mindanao! We’ll go to davao this month!

Posted by bleue at August 9, 2006, 11:06 pm

rare blog written in vernacular about gensan! nice to read articles written like yours.

kung gusto nyo malaman mga bagong balita tungkol sa general santos city, philippines, pakitingin naman sa www.gensanexchange.com, salamat!

Posted by reycarts at August 2, 2008, 4:01 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








HabagatCentral Sites

The Personal Blog

Photobucket

The Multiply AccountPhotobucket

The Commuter's Travel Blog HabagatCentral.com

 

The WindSurfer

Photobucket

I'm Berniemack Arellano, just a simple and boring guy who wants to go amok whenever he's being prevented going somewhere else.

Inspired by the Lonely Planet/Pilot Guides series, I desperately went on to see places and culture as a cure to absolute monotony of life in the early 21st Century despite of financial incapabilities.

Message Board

badut:

badut

Free Online Business:

Learn and choosing Which Online Business Opportunity Should you Choose

Lawn Mowing Business:

How To Start Lawn Mowing Business for Beginners

Plus Size Fashions:

Trendy Plus Size Fashions That Will Make You Special

Healthy Eating:

Healthy Eating For Better Living

fasapay:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

fasapay layanan:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

fasapay layanan pembayaran:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

fasapay layanan pembayaran online:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

fasapay layanan pembayaran online indonesia:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

fasapay layanan pembayaran online indonesia cepat:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

fasapay layanan pembayaran online indonesia cepat dan aman:

http://blog.umy.ac.id/pariwisata/fasapay-layanan-pembayaran-online-indonesia-cepat-dan-aman/

Internet Marketing Tools:

Get the best internet marketing tools for your business

kopi luwak:

kopi luwak

Music Business Degree:

The Reservation You Need to show Over to a Professional in the Music Industry

CLICKBET88.COM AGEN BOLA TERPERCAYA UNTUK PIALA EURO 2012:

http://blog.umy.ac.id/tutorialblogging/2012/04/12/clickbet88-com-agen-bola-terpercaya-untuk-piala-euro-2012
http://blog.umy.ac.id/tutorialblogging/2012/02/15/jasa-backlink-edu-profil-linkwheel-jasa-backlink-murah
http://blog.umy.ac.id/tutorialblogging/2012/05/08/kebaya-pengantin-kebaya-pesta-baju-pengantin-pesta-modern-tradisional-by-kebayapengantinvalentino-com/
http://blog.umy.ac.id/tutorialblogging/2012/05/08/pupuk-organik-jual-manfaat-pupuk-organik-kompos-di-indonesia-by-bioplanmate-com/
http://blog.umy.ac.id/tutorialblogging
http://blog.umy.ac.id/ghea/download/jurnal/jurnal-ekonomi
http://blog.umy.ac.id/ghea/download/bank-soal-pns
http://blog.umy.ac.id/ghea
http://blog.umy.ac.id/satu
http://blog.umy.ac.id/satu/download-gratis/ebook/ebook-islami
http://blog.umy.ac.id/satu/download-gratis/ebook/ebook-campuran
http://blog.umy.ac.id/winner
http://blog.umy.ac.id/dinar
http://dpanimasi.blogspot.com
http://indolima.com
http://newsbeka.com
http://indolima.com/hotel/
http://indolima.com/insurance/
http://indolima.com/jewelry/
http://indolima.com/submit-news/
http://ads.indolima.com
http://beragamcerita.blogspot.com/2012/04/clickbet88com-agen-bola-terpercaya.html
http://blog.umy.ac.id/tutorialblogging/2012/05/07/promo-member-alfamart-minimarket-lokal-terbaik-indonesia/
http://blog.umy.ac.id/ghea/2012/05/07/promo-member-alfamart-mini-market-lokal-terbaik-indonesia/
http://blog.umy.ac.id/winner/category/4icu/
http://blog.umy.ac.id/winner/category/argh/
http://blog.umy.ac.id/winner/category/backlink/
http://blog.umy.ac.id/winner/category/berita/
http://blog.umy.ac.id/winner/category/blog-do-follow/
http://blog.umy.ac.id/winner/category/cerita/
http://blog.umy.ac.id/ghea/2012/05/08/tukeran-link-yuk/
http://blog.umy.ac.id/ghea/sitemap/sitemap-update-03-01-2012/
http://blog.umy.ac.id/satu/sitemap-xml/
http://blog.umy.ac.id/satu/dofollow/
http://blog.umy.ac.id/satu/2011/12/09/buku-tamu/
http://blog.umy.ac.id/satu/download-gratis/
http://blog.umy.ac.id/satu/category/universitas-terbaik-2/
http://blog.umy.ac.id/satu/2012/05/06/list-auto-approve-comment/

Music Business Degree:

The Reservation You Need to show Over to a Professional in the Music Industry

BlackBerry 8520 Unlocked Phone with 2 MP Camera, Bluetooth:

http://newsnewgadget.blogspot.com/2012/04/blackberry-8520-unlocked-phone-with-2.html

Easy Income:

The Real Easy Income Never Easy For You

Games Blogs:

Looking fun Dinosaur Train games informations here

Leave a message ▼

Photos and HabagatCentral Multiply Account

    

Facebook

Subscribe

Technorati
Bloglines

Plurk!

Twitter!

Stat